Parents... :l

Mom called the other day para mangamusta and all and that meant may kasamang pagalit. Weirdo talaga ng nanay ko. Minsan nga hindi ko nalang maintindihan yung rason kung bakit ako pinapagalitan eh. HAHA! Tulad nung isang araw...

Mom: Ano ka ba naman Kara! Wala kang malasakit sa pamilya mo! Hindi ka marunong mag-appreciate ng roots mo! Para kang weed! Kaya nga may weed-out diba? Kasi salot ang weeds kara, salot! O sa tingin mo, do weeds have the right to live?!?
Me: Uhhh...no? :l
Mom: Hindi naman, ano ka ba! Parte yun ng mother nature no!!!
Me: Ha? :l

Ang labo talaga nakakaasar. Haha! Kahit siya natawa nalang siya sa pagkalabo ng sinabi niya eh! Haha! Ang labo talaga. O_O tapos nung isang beses, kapatid ko naman yung pinapagalitan...

Mom: *blah blah blah....*
Kuya: *silent*
Mom: Sumagot ka naman! Parang wala akong kausap dito ah! *then asks a question*
Kuya: *sinagot yung question...*
Mom: O SASAGOT PA EH!

GRABE ang labo talaga ng nanay ko. Haha! Kahit siya mismo natatawa narin lang pag may nasasabi siyang sobrang labo eh. Haha!

Anywaaays...I've been thinking about my English grade for the 4th quarter. Sobrang nagaalala ako. Mhan, ang pangit talaga ng QT ko. I went to school the other day tapos sabi ni Ms, marami daw yung matataas sa QT. Eh hello madalas hindi ako kasama dun sa marami eh. Hindi ko nalang tiningnan. Kinakabahan talaga ako. Oh well, magugulat nalang ako sa card. I hated english this year. HATE talaga. As in buweiset. Weirdo kasi si Lisbo eh. Hindi normal yung way ng pagiisip niya...or paggawa ng mga test. Napaka-nonconventional. (Tss.) She didn't conform to the society's expectations...(TSSS.) I've had enough of those words...lalo na from her. Haha! Sa CLE din! Patay, sa values education pa man din kasama yun. Pag bumaba ako dun, unang una kong aalalahanin, sermon ng nanay ko. Irerelate nanaman niya sa paguugali ko at lahat-lahat. Patay. O_O GRABE I'M WORRIED. Tsk. Oh well.

I've been watching House. Ang galing nga eh! Sobrang talino ng mga tao sa series na yun. Haha. Sorry na. -_- sobrang talino, hanga ako but I find Grey's Anatomy better. Mas-emotional kasi yun tsaka may story. Sa House, parang sineskwela ng mga doctor. Yok. haha! Pero ang galing talaga, sobrang nakaka-amaze. Hehe. :)

 3.25.2007 - 00:34
 
You are stellar.



This is MRS. Boyd
My Unkymood Punkymood (Unkymoods)
People's mindless Games
 


credits

designer
KATHLEEN:D
imagePINCEL3D
inspirationANNE
hostIMAGESHACK