We went to club manila east a while ago tapos may bago silang part dun, yung "beach wave" whatever (yung parang sa splash island). Since it was new, we decided to check it out. Nung dumating kami dun, sabi ni manong, last wave na daw. Sinubukan naming pilitin si manong na damihan pa eh hindi siya pumayag so okay, hinintay nalang namin yung waves. Nung dumating na, at first we were doing fine. Ineenjoy namin and all. Actually, hindi ko alam kung naaenjoy namin kasi the waves were SO BIG, yung parang sa movies yung sa gitna ng dagat, gabi tapos may bagyo, tapos sobrang LAKI nung waves? Well hindi naman ganun kalalaki pero they were too big for us (sa height namin). Eh hindi naman namin inexpect na ganun kahirap since kaya naman namin and all nung still pa yung water. I thought sandali lang so nung una, I was doing fine pero hindi ko na talaga ineenjoy. So talon talon lang, sinasabayan yung rhythm ng waves etc., sabay nawala ako sa rhythm. Nadala ako nung waves sa masmalalim na part, (THANKS AH), eh dun pa nga lang sa medyo mababaw, hirap na ako so nadoble yung hirap sa malalim tapos the waves were hell bigger. Nung nahihirapan nako, inisip ko nalang na kakayanin ko hanggang sa matapos yung waves. Pagtingin ko, wala na sila carla sa tabi ko. Sila cay naanod sa tabi ko tapos sabi niya, "Sher! Kaya mo pa ba?". Ako naman, gaga, sabi ko, "Ano ba okay lang ako...(while gasping for air. :l)" Sabay seconds later, WALA NA SILA CAY AT CHINKY! Nakapunta na sila sa mababaw. Sakto pa naman, pagtalon ko, mali yung timing, humampas ako sa waves, nakalunok ako ng tubig. So it was official, I was drowning. :| Hindi nako makahinga literal sa dami ng tubi na nainom ko na. I tried to swim, pero nung kumuha ako ng hangin, wow, tubig parin ang nainom ko. I swear, hindi ko na talaga kaya nun tapos ang lalim pa. Ang laki talaga ng waves and I could no longer get air. It was a good sign na hindi pa ako nakaranas ng flash back, kasi yun talaga ibig sabihin nawawalan nako ng malay pero nagiisip na talaga ako ng mga bagay-bagay, things like, "shit hindi pa ako ready, I'm too young" and other things like that. Nung binuksan ko mata ko, while trying to gasp for air, nakita ko si chinky, hinagisan na siya ni manong ng salbabida, yung parang white and red salbabida na may rope and she was screaming my name. Hinahatak na siya ni manong, (gago pala si manong eh iiwanan ako. :|) eh ayaw ni chinky tapos sinisigaw niya pangalan ko so sinubukan ko siyang lapitan, nako po, ang layo niya. Eh inaanod ako ng waves palayo so I tried to swim again, at tubig ang nalunok ko. I stopped fighting and stretched out my hand, good thing, naramdaman ko na si chinky hinatak yung kamay ko. Nung nahawakan ko na yung salbabida, naisip ko, "shit, hindi pa ako nagiging doktor, i can't die yet." something like that. Medyo ang babaw rin eh no, yun yung inisip ko nung nasa "save zone" nako. Another funny thing, nung nahawakan ko na yung salbabida, nagpalakpakan silang lahat and I realized, all of the other strangers were watching how we were being "saved", so medyo lang nakakahiya diba. :l So yun, that was my first ever near-death experience. Pagkatapos talaga nun, hindi nako sumama sa kanila. Medyo maaga pa pero bumalik na ako sa place namin tapos nagpalit na ako. Hindi ko kaya, natrauma na talaga ako. -_- Nakakatawa sila, bumalik parin sila sa waves! Ako talaga, no thanks, I've had enough. At nung pabalik nako, dun nagsink-in, natakot talaga ako. Shit. Screw those waves! Hindi naman ganun kalalakas at kalalaki ang mga alon sa dagat no! Pag may bagyo lang yun eh! Naalala ko nagswimming kami sa beach sa Bicol, high tide nun at may bagyong parating pero hindi ganun kalalaki yung alon at naglalaro pa kami ng tag! I didn't drown! Tsk tsk. I swear, yung mga alon na yun sa Club Manila, yun yung alon na nakakamatay eh. :l I thought I was some kind of bionic pagdating sa tubig since we've been having swimming for PE ever since grade 5, pero wala pala yun pagdating sa real thing. Swimming might be easy and all sa still water, pero pag ganun na kalikot na tubig, hindi na ganun kadali, nakaka-trauma talaga. Patawa pa si manong, I expected him to jump into the water para dalihin ako sa mababaw, sabay nagdalawang-isip pa daw siya ihagis yung salbabida. He's crazy. It was tragic, at dun ko narealize, I'm not ready to go. :l Hindi ko pa nagagawa ni isang bagay sa listahan ko ng "Things I have to do before I die" no!
Well anyways...if you scrape out the part wherein we all nearly drowned, the day was okay, fun. I enjoyed somehow but one thing though, it might take some time before I can go swimming again. Haha. :l