TRANSFERRED

to motime. www.outfromunder.motime.com
I won't erase this though, pero wala na talaga to. :)

 4.16.2007 - 21:10
 
You are stellar.


Istupid Lab

I think that song's the stupidest song I've ever heard. GRABE sobrang walang kwenta!!! HAHA! Kanina kasi kinanta namin siya sa Magic Sing and the heck, tawang tawa talaga ako sa lyrics! Yun na yata ang pinakawalang kwentang lyrics sa balat ng lupa PROMISE!!! Haha! (Sorry kung guilty pleasure mo pala ang kantang yan, nakakatawa talaga kasi!!!) Ito yung lyrics:

Nang ma inlove ako sa'yokala ko'y pag-ibig mo ay tunay
pero hindi nag-tagal lumabas din ang tunay na kulay
ang iyong kilay mapag-mataas at laging namimintas
pero sarili kong pera ang iyong winawaldas
para kang sphinx ugali mo'y napaka sting
kung hiyain mo ko talagang nakaka shrink
girlie biddy bye bye don't tell a lie
bakit mo ako laging dini-deny
all the goods I've done wala man lang rekognition (HAHAHA!)
mahilig kang manguleksyon binalewala aking atensyon'
yo anyway everyday iba't ibang guys ang iyong ka text
and then one time nahuli kita na mayroon kang sex
mas gugustuhin ko pa na mag pa krusifay (HAHAHA!)
kesa harap harapan mo akong stupify
so don't be mad so don't be sad
lahat ng kabulukan mo'y ilalahad.

CHORUS
(STUPID) Love, soft as an easy chair
(STUPID) Love, fresh as the morning air
(STUPID) Love, that is shared by two
(STUPIDO) Love, I found in you

II
buhay ko ay nag-iba simula ng makilala ka
every hour every minute nais kang makita
halos di kumain makausap lang sa phone
between you and me until the break of dawn
no one else comes close pangako sa isa't isang
unit napatunayan mo ba na balikan kanya
pinagtapat sa akin na siya'y mahal pa rin
anong magagawa ko kundi ikaw ay palaya
inhalos isumpa sa sakit na naidulot
pero bakit ang katulad mo di parin malimot
nag mahal ako ng iba ngunit ako'y bigo
sa pag-ibig ko sa'yo ako'y bilanggo
tumingin sa salamin naalala ang nakalipas
masakit palang maging (what) panakip butas
pero bago ang lahat ipag-tatapat sinta
mahal kita sincerely yours Bendeatha (B FOR BENDEATHA!!! AHAHAHA!!!)

CHORUSIII

saan nga ba hahantong ang tagpong ito
minahal kita pero ako'y ginago mo
and it took so long time bago pa maka recover
sa ginawa mo sa 'kin meron pa akong hang over
naaalala mo paba nung tayo pa
kasa kasama ka 'san man ako mag punta
pinag silbihan kita mula ulo hanggang paa
pati ang bra't panty mo ako ang nag lalaba
kinu kunsinte ka kung meron nagawang mali
oo na oo na sige na tama ka naman palagi eh
mga inutos mo sa akin di ko sinuway
mas sinusunod na nga kita keysa sa akin nanay
lahat nalang ng bagay binigay ko sa iyo
naging sunud sunuran ako na parang aso
pag may kausap kang iba ako'y dini deny
basta gwapo ang guy maaga kang bumibigay
damn napaka istupido ng puso kong ito
ano ba ang dahilan at ako ay ginanito mo
inaway mo ako at iyong itinaboy
at sa ibang boy nakipag laro ka ng apoy (HAHAHA!!!)
ako'y nananaghoy puso ko ay nabiyak
wasak na wasak ang puso ni Nasty Mack
inaamin ko noon na minahal nga kita
pero ngayon binabawi ko na

CHORUS

Yung mga naka-bold yun yung hindi na ako makahinga sa kakatawa kasi sobrang benta (in a bad way)! Sobra kakaiba talaga yung pagkawalang-kwenta niya eh. Alam mo yun. HAHA! Kaya pala naalala ko ininterview si Rey Valera (he's a renowned Filipino composer), sabi niya pinakawalang-kwenta daw na song na narinig niya sa buhay niya is Stupid LUV (Luv talaga eh)! Haha! Hay nako. =))

Anyways, we had the class party a while ago and kami yung mga huling umuwi. GUESS WHAT. Sa lahat pa ng bagay na nakalimutan ko kila Anj, yung video cam pa diba?! Galing. Haha! So I have to get it by tomorrow since Anj's leaving on Friday. Kung yung cellphone yun, kukunin ko nalang sa June eh. HAHA! Pero buti naman hindi nagalit si Dad. Nakakatawa though, nagsasara na yung BigR pagdating namin dun! So nung nasa may papasok kami ng Supermarket, hinarang pa ako nung guard. Tss. So tinakbo ko pa yung main entrance. Naman eh!!! Haha! Dapat kanina na namin kukunin kaso, hindi niya dala yung driver's license niya so hindi kami mapapapasok sa LGV. Well anyways, the party was fun although MAY MGA HINDI NAKAPUNTA. Nagtatampo ako. :( We watched Saw III. I liked saw 3 among the 3 movies! Ang ganda! (Probably kasi hindi siya kasing gory nung other 2 movies at ang saya nung twists although medyo sumobra pero okay talaga!) Tsaka ngayon talaga nagets ko yung movie kasi dun sa last 2 movies, masyadong nakatakip yung mata ko para maintindihan yung nangyayari. Masyadon kasing gory. Hmm, so yun. There's nothing to look forward to anymore. :( Swerte nila Nika, Japan! Hahaha! Well at least she lent me her One Tree Hill CDs. At least may mamamarathon ako. >:)

AY NAKO! SUGAR RUSH. Can't sleep diba?! I think I drank around 7 glasses of coke, SO SOBRANG SUGAR RUSH. :l

 4.11.2007 - 22:13
 
You are stellar.


It's my fault

It is sooo my fault. Stupid sher. Another stupid mistake. I'm hopeless. I really have a talent of making things worse ano? Wala na, it's too damn late Sher, too damn late. Tama nga talaga yung sinabi ko months ago, once I try to step out, I can never go back. I think I should take that repression thing more seriously. One thing's for sure though, forever kong pagsisisihan to. Yun yun.

Anyways, on the lighter side of things, nagpagupit nako! Haha. I don't know kung lighter side nga yun o ano, kasi ang ikli! As in Leia Veracruz haircut ikli. Haha! Sabi ko kasi dun sa manggugupit, siya na bahala sa lahat eh, basta wag lang todo iksi na parang kalbo nako or something. Haha. Hindi ko alam kung bagay (hindi ako marunong tumingin ng haircut eh), hindi yata eh pero mhen, masmalamig! Haha! Ang init na no, hindi ko na kaya ang mahabang buhok sa ganitong init. -_- Also, ibabalik narin yung braces ko. Okay, hindi talaga yun lighter side. I HATE BRACES! Ayoko na magbraces eh! Metal mouth nanaman ako. :l Dapat by the end of April ikakabit na ulit eh pero sabi ko sa June nalang. Ayoko talaga! Tapos bubunutan pa ako ng ngipin diba, so the heck? Haha! Bungal pala. Buti nalang yung bubunuting ngipin sa may banda likod kaya hindi kita. Hehe. Eh numunew-look pala ako eh.

Ay, sa Thursday na pala yung start ng driving lessons. Hindi ko rin alam kung lighter side to, kasi tinatamad ako! Haha! 1 week lang naman, tapos 1 hour a day. Dapat mga 3 days nalang tapos 2 hours a day or something. Nakakatamad yung araw-araw pupunta dun pero isang oras lang tapos yung sched pa niya is 4-5pm so I can't attend some gimmicks kasi more or less nagsisimula ang mga gimmick ng afternoon hanggang 6. :l So too bad. :l

Anyways, class party tomorrow! I'm so excited! I really miss a LOT of people at oo Nika isa ka sa mga yun lalo na kapag pumunta ka ng Japan, *rolls eyes/undertaker eyes* Haha! 2 weeks din yun no, shet wala nang magbabasa ng blog ko at wala naring magtatag. Hahaha! Siya lang naman ata ang may tiyagang magbasa ng pinagsususulat ko dito eh. Awwww! (Shurrup! Hahaha!) Di, mamimiss ko talaga yan. :) Hugs for sugah cookieyah/my fellow doggy. HAHA! >:D<

 4.10.2007 - 23:01
 
You are stellar.


I miss

MELINDA!!! I miss her! I saw her multiply a while ago and promise, 2 weeks na kami walang matinong usap!!! Kasi naman wala akong load parati diba tsaka tamad ako magtext tsaka kung magtext rin naman ako walang load si Melinda. b-( Haha! Super, I miss her. HOY MELINDA, KUNG MABASA MO MAN TO, MAGPARAMDAM KA NAMAN! Naman kasi, wala pa silang internet so hindi siya nakakapag-YM. Tsss. Haha! Joke lang Melinda. :) Ako rin naman hindi nako masyadong nakakapag-YM eh. :(

Anyways, I finally bought Veronika decides to die and I want to die narin KASI ANG MAHAL. Haha! It's only a short book, probably can be finished in one sitting (kung talagang matyaga ka) pero mhen, 359 pesos. Haha, sorry, kuripot talaga ako, lalo na pag sa libro kasi pag nabasa na, wala nang use afterwards unless na-addict ka or something kaya paulit-ulit mong babasahin. Haha! Tsk. Ang mahal talaga. Dapat yung mga ganun 70 pesos lang eh, parang yung mga Dekada '70, affordable! That book has to be good or else...

Sabay kasing-pangit pala ng Catcher in the Rye. :l HAHA!

 4.09.2007 - 16:08
 
You are stellar.


The Catcher in the Rye

I borrowed this book from a friend and I'm halfway through it. I think this book's included in the list of books we can read for summer. I'm halfway through it and I hate it!!! Hahaha! It's lousy! The story's so lousy that I'm itching to finish it and find out how lousy it ends. I thought this book was some kind of classic like that of Jane Eyre or whatever since I didn't have a background of the book before I started reading it. Pero grabe, walang kwenta. Haha! Ang balsphemous pati kasi every sentence consists of words like: bastard, goddam, damn, hell, sonuvabitch, helluvabitch or other words as slang and as angsty as those. The book's like a jorunal of an angsty teenager who hates everything and everyone. Emo pala eh! Haha! Well anyways, I won't finish it nalang. I'll start on that Mythology. It seems a lot more interesting than reading the narration of a depressed teenager. Hahaha. :P Good thing rin, hindi namin yun kelangang basahin for 4th year. Pano kaya kung si Ms. Lisbo parin yung teacher namin eh no.

By the way, dad's coming home on Sunday. I bet we won't go out that often though. He's still trying to recover from his operation. Oh no, no more TV! :l

 4.06.2007 - 00:18
 
You are stellar.


In fairness ah...

Gwapo si Christian Bautista! Hahaha! Diba?! Heehee. :l

 3.30.2007 - 09:24
 
You are stellar.


My First Near-death Experience

We went to club manila east a while ago tapos may bago silang part dun, yung "beach wave" whatever (yung parang sa splash island). Since it was new, we decided to check it out. Nung dumating kami dun, sabi ni manong, last wave na daw. Sinubukan naming pilitin si manong na damihan pa eh hindi siya pumayag so okay, hinintay nalang namin yung waves. Nung dumating na, at first we were doing fine. Ineenjoy namin and all. Actually, hindi ko alam kung naaenjoy namin kasi the waves were SO BIG, yung parang sa movies yung sa gitna ng dagat, gabi tapos may bagyo, tapos sobrang LAKI nung waves? Well hindi naman ganun kalalaki pero they were too big for us (sa height namin). Eh hindi naman namin inexpect na ganun kahirap since kaya naman namin and all nung still pa yung water. I thought sandali lang so nung una, I was doing fine pero hindi ko na talaga ineenjoy. So talon talon lang, sinasabayan yung rhythm ng waves etc., sabay nawala ako sa rhythm. Nadala ako nung waves sa masmalalim na part, (THANKS AH), eh dun pa nga lang sa medyo mababaw, hirap na ako so nadoble yung hirap sa malalim tapos the waves were hell bigger. Nung nahihirapan nako, inisip ko nalang na kakayanin ko hanggang sa matapos yung waves. Pagtingin ko, wala na sila carla sa tabi ko. Sila cay naanod sa tabi ko tapos sabi niya, "Sher! Kaya mo pa ba?". Ako naman, gaga, sabi ko, "Ano ba okay lang ako...(while gasping for air. :l)" Sabay seconds later, WALA NA SILA CAY AT CHINKY! Nakapunta na sila sa mababaw. Sakto pa naman, pagtalon ko, mali yung timing, humampas ako sa waves, nakalunok ako ng tubig. So it was official, I was drowning. :| Hindi nako makahinga literal sa dami ng tubi na nainom ko na. I tried to swim, pero nung kumuha ako ng hangin, wow, tubig parin ang nainom ko. I swear, hindi ko na talaga kaya nun tapos ang lalim pa. Ang laki talaga ng waves and I could no longer get air. It was a good sign na hindi pa ako nakaranas ng flash back, kasi yun talaga ibig sabihin nawawalan nako ng malay pero nagiisip na talaga ako ng mga bagay-bagay, things like, "shit hindi pa ako ready, I'm too young" and other things like that. Nung binuksan ko mata ko, while trying to gasp for air, nakita ko si chinky, hinagisan na siya ni manong ng salbabida, yung parang white and red salbabida na may rope and she was screaming my name. Hinahatak na siya ni manong, (gago pala si manong eh iiwanan ako. :|) eh ayaw ni chinky tapos sinisigaw niya pangalan ko so sinubukan ko siyang lapitan, nako po, ang layo niya. Eh inaanod ako ng waves palayo so I tried to swim again, at tubig ang nalunok ko. I stopped fighting and stretched out my hand, good thing, naramdaman ko na si chinky hinatak yung kamay ko. Nung nahawakan ko na yung salbabida, naisip ko, "shit, hindi pa ako nagiging doktor, i can't die yet." something like that. Medyo ang babaw rin eh no, yun yung inisip ko nung nasa "save zone" nako. Another funny thing, nung nahawakan ko na yung salbabida, nagpalakpakan silang lahat and I realized, all of the other strangers were watching how we were being "saved", so medyo lang nakakahiya diba. :l So yun, that was my first ever near-death experience. Pagkatapos talaga nun, hindi nako sumama sa kanila. Medyo maaga pa pero bumalik na ako sa place namin tapos nagpalit na ako. Hindi ko kaya, natrauma na talaga ako. -_- Nakakatawa sila, bumalik parin sila sa waves! Ako talaga, no thanks, I've had enough. At nung pabalik nako, dun nagsink-in, natakot talaga ako. Shit. Screw those waves! Hindi naman ganun kalalakas at kalalaki ang mga alon sa dagat no! Pag may bagyo lang yun eh! Naalala ko nagswimming kami sa beach sa Bicol, high tide nun at may bagyong parating pero hindi ganun kalalaki yung alon at naglalaro pa kami ng tag! I didn't drown! Tsk tsk. I swear, yung mga alon na yun sa Club Manila, yun yung alon na nakakamatay eh. :l I thought I was some kind of bionic pagdating sa tubig since we've been having swimming for PE ever since grade 5, pero wala pala yun pagdating sa real thing. Swimming might be easy and all sa still water, pero pag ganun na kalikot na tubig, hindi na ganun kadali, nakaka-trauma talaga. Patawa pa si manong, I expected him to jump into the water para dalihin ako sa mababaw, sabay nagdalawang-isip pa daw siya ihagis yung salbabida. He's crazy. It was tragic, at dun ko narealize, I'm not ready to go. :l Hindi ko pa nagagawa ni isang bagay sa listahan ko ng "Things I have to do before I die" no!

Well anyways...if you scrape out the part wherein we all nearly drowned, the day was okay, fun. I enjoyed somehow but one thing though, it might take some time before I can go swimming again. Haha. :l

 3.28.2007 - 21:11
 
You are stellar.


Parents... :l

Mom called the other day para mangamusta and all and that meant may kasamang pagalit. Weirdo talaga ng nanay ko. Minsan nga hindi ko nalang maintindihan yung rason kung bakit ako pinapagalitan eh. HAHA! Tulad nung isang araw...

Mom: Ano ka ba naman Kara! Wala kang malasakit sa pamilya mo! Hindi ka marunong mag-appreciate ng roots mo! Para kang weed! Kaya nga may weed-out diba? Kasi salot ang weeds kara, salot! O sa tingin mo, do weeds have the right to live?!?
Me: Uhhh...no? :l
Mom: Hindi naman, ano ka ba! Parte yun ng mother nature no!!!
Me: Ha? :l

Ang labo talaga nakakaasar. Haha! Kahit siya natawa nalang siya sa pagkalabo ng sinabi niya eh! Haha! Ang labo talaga. O_O tapos nung isang beses, kapatid ko naman yung pinapagalitan...

Mom: *blah blah blah....*
Kuya: *silent*
Mom: Sumagot ka naman! Parang wala akong kausap dito ah! *then asks a question*
Kuya: *sinagot yung question...*
Mom: O SASAGOT PA EH!

GRABE ang labo talaga ng nanay ko. Haha! Kahit siya mismo natatawa narin lang pag may nasasabi siyang sobrang labo eh. Haha!

Anywaaays...I've been thinking about my English grade for the 4th quarter. Sobrang nagaalala ako. Mhan, ang pangit talaga ng QT ko. I went to school the other day tapos sabi ni Ms, marami daw yung matataas sa QT. Eh hello madalas hindi ako kasama dun sa marami eh. Hindi ko nalang tiningnan. Kinakabahan talaga ako. Oh well, magugulat nalang ako sa card. I hated english this year. HATE talaga. As in buweiset. Weirdo kasi si Lisbo eh. Hindi normal yung way ng pagiisip niya...or paggawa ng mga test. Napaka-nonconventional. (Tss.) She didn't conform to the society's expectations...(TSSS.) I've had enough of those words...lalo na from her. Haha! Sa CLE din! Patay, sa values education pa man din kasama yun. Pag bumaba ako dun, unang una kong aalalahanin, sermon ng nanay ko. Irerelate nanaman niya sa paguugali ko at lahat-lahat. Patay. O_O GRABE I'M WORRIED. Tsk. Oh well.

I've been watching House. Ang galing nga eh! Sobrang talino ng mga tao sa series na yun. Haha. Sorry na. -_- sobrang talino, hanga ako but I find Grey's Anatomy better. Mas-emotional kasi yun tsaka may story. Sa House, parang sineskwela ng mga doctor. Yok. haha! Pero ang galing talaga, sobrang nakaka-amaze. Hehe. :)

 3.25.2007 - 00:34
 
You are stellar.


Juniors No Mo'

Isang malaking badtrip tong blogspot ah. :l Nabura lahat ng sinulat ko kanina!!! :l Well anywaaays, Junior year's over! It was fast...weird lang, I found 2nd year WAY harder than 3rd year. Hindi ko pa nga masyadong "feel" kasi hindi ako nakapag-byebye ng maayos sa mga kaibigan ko kahapon so feeling ko weekend lang. Woah, seniors na next year! Yehess gusto ko na mag-college eh although gusto ko yung tipong pwede kang bumalik sa AA as a student whenever you like kasi more or less mamimiss ko rin naman sila "linlin". :) *nyeehhhh* Ay speaking of them, nagpigout at nagmovie marathon kami kahapon. SAYA MHEN! Naghalo-halo yung Doritos, Lays, Cheetos, Ruffles, Ice Cream, Mashed Potato at Peanuts sa stomach ko. Oh no, iniimpacho nanaman ata ako! :s Grabe, 5 lang kami pero naubos namin yun lahat. Ultimate pigout talaga! Haha! Tapos we watched Hostel. Grabe, tama si Zarah, 50% gory, 50% porn. :l Ngayon ko lang siya napanuod ng maayos actually, well hindi ata maayos yung pagkanood ko kahapon kasi 70% ng movie nakapikit ako. Haha! Hindi talaga ako mahilig sa gory movies forever. -_-

Anyways, I'm planning to buy a lot of DVDs later. >:) Nakalista na eh:
1. Grey's Anatomy (yung episodes 10-17 ng Season3)
2. House
3. Desperate Housewives
4. Prison Break
5. OTH (papanuorin ko na nga rin to ang dami kasing nanunuod eh. Haha!)
at kung may pera na ulit ako...
6. Smallville (pogi ni clark kent eh <3)

Wala talaga kasing magawa. :l Pero okay lang! It's better to be bored than to be stressed. Haha! :D So for now, yan lang ang plano ko sa summer ko, DVD marathons. Ohyeah. :D Masokay naman ata yun kaysa sa A History of the World marathons diba. -_-

 3.22.2007 - 13:34
 
You are stellar.


Kamuka

Magkamuka! Hahaha. Nika, pwede ka na pala sa commercial ni Al-"dread" eh. Jokey. Haha! Si Melinda naman kabuhok si Rain! Nakakaasar benta.

Pansinin nyo, parehas yung bangs nila tapos si Melinda medyo browny pa yung hair. Kabuhok talaga niya! haha! Bakit kaya may magkakamuka? Ano yun, may magkapareha sa genetic sequence nila? YOK. What the. Haha!

Just came home from OJT at Don Hen's. Medyo amoy pineapple pa yung kamay ko sa kakagawa ng pizza. Well, mga 2/3 lang na pizza ang ginawa namin pero okay na. Ang saya! Haha. :P Onti lang kasi yung nagorder kasi may kiddie party. :l Sayang. Pero well it's still an experience. :)

Anyways, I'm scared. As in "i-can't-sleep-because-i-keep-thinking-about-it" scared. I've gone through this before. Maybe I'm just not yet ready to face another one like that again. The last one devastated me. HAHA! Oh well. I'm scared. As in scared-scared, gets mo ba? I'm scared, but I have no regrets. At least now I'm learning how to grab things by the neck. I have no regrets. At least now I'm learning how to try. That would be my consolation. :) I was meant to live for so much more! Have I lost myself??? :l ...but then again, I'm still scared.

Whoops, ang dami pala talagang gagawin. OHYEAH!!! 3 DAYS TO GO YO!!! :D


 3.17.2007 - 22:14
 
You are stellar.



This is MRS. Boyd
My Unkymood Punkymood (Unkymoods)
People's mindless Games
 


credits

designer
KATHLEEN:D
imagePINCEL3D
inspirationANNE
hostIMAGESHACK